DABARKADZ FORUM

PARA SA ATING LAHAT ^_^
 
HomePortalCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 TULA/ESSAY PARA SA INYO MGA KAPOOL

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
[chxlover]kapool



Posts : 38
Join date : 2009-12-23
Age : 26
Location : isabela

PostSubject: TULA/ESSAY PARA SA INYO MGA KAPOOL   Sun Dec 27, 2009 4:53 am

First Time...





Mayro'ng mga bagay na mahirap gawin
lalo na kung ito'y first time pa man
din
bagay na siguradong pag-papawisan ka
maging sariling laway malulunok pa

sa una mong tangka ay kakabahan ka
susubok ka pa na magtanong-tanong sa iba
kung sa panong paraan ay madadalian ka
at nang sa gayon ay hindi mapahiya

marubdob na iisipin ang marapat gawin
iba't ibang posisyon pa ang tatangkain
paupo, pahiga maging patayo rin
upang masikip na butas tuluyang pasukin

at kung mahirapan ay kailangang lawayan
ipasok sa bibig paulit-ulit na dilaan
lagyan ng padulas para swabeng makalabas
'saka marahang ipasok sa makipot na
landas

hinay-hinay lang sa gagawing pag-ayuda
huwag magmadali't baka mapurnada
huwag mag-alala kung hindi agad lumusot
dilaan lang muli't tumuloy sa paglusob

oras na makapasok pwede ng tumuloy
isagad, ibaon wag na wag uurong
huwag kang titigil hanggang rurok maarok
ito raw ang sensyales na ikaw nga'y
nakaraos

at bago pa tuluyang isip niyo ay magdumi
hayaan muna ninyo na ito ay masabi
na iya'y instruction lang kung pano
mapadali
na maipasok sa karayom ang lintik na
sinulid




Last edited by [chxlover]kapool on Sun Dec 27, 2009 5:18 am; edited 3 times in total
Back to top Go down
View user profile
[chxlover]kapool



Posts : 38
Join date : 2009-12-23
Age : 26
Location : isabela

PostSubject: HmMm   Sun Dec 27, 2009 5:15 am

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin





Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong
kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing
sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko
maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana
akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang
ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga
ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay
ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man
ay
nagiging makulit at paulit-ulit na
parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo
'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha ang gusto
mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking
amoy. Amoy matanda,
amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong
pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong
maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit,

Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan
mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit
sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit
nais kong malaman mo na
sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam
kong hindi ka interesado
sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y
magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man
ay maihi o madumi sa
higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
huling sandali ng
aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana

ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap
ko na ang Diyos na
lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka
sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong
ama't ina...





Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan


Pahalagahan natin ang ating mga magulang
hanggang sa sila ay tumanda.....




Back to top Go down
View user profile
 
TULA/ESSAY PARA SA INYO MGA KAPOOL
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Phantom Essay: music & character
» mis macetas para kusamono y ; my kusamono and accents pots
» Rio de Para Pleco (L-75)
» Nazea Hasan Sayed to essay Karna's wife in Star Plus' Mahabharat
» Tapu Ka essay -Lolz-vry funny***must read

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
DABARKADZ FORUM :: READERS CHOICE :: MGA BABASAHIN-
Jump to: