DABARKADZ FORUM

PARA SA ATING LAHAT ^_^
 
HomePortalCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
Share | 
 

 BABAERO MOVES

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
[chxlover]kapool



Posts: 38
Join date: 2009-12-23
Age: 24
Location: isabela

PostSubject: BABAERO MOVES   Sat Dec 26, 2009 6:20 am

Babaero Moves : Huwag payagan ang Babae na mag-surprise visit


Laging sabihan ang babae na huwag dadalaw ng biglaan.
Sabihing mag-text muna o tumawag siya bago dumalaw.
Basta dapat alam ng Babaero kung darating ang Babae niya sa kanyang lugar.
Baka kasi may babae ka sa bahay tapos dumalaw yung isa, itatago mo sa aparador yung isang babae, kawawa naman. Ma-susuffocate.


Babaero Moves : Huwag pakabusog kapag kakain kasama ang ibang babae


Para pag-uwi mo sa babae mo, hindi magtataka kung bakit busog ka na, hinanda pa man din nya ang favorite mong ulam, with TLC.
Pwede din ang Babaero Move na ito kapag dalawang date sa isang araw ang balak at parehong kainan ang pupuntahan.


Babaero Moves : May kakuntsaba
May mga babae na tatanungin ang tropa ng babaero kung anong nangyayari sa lalake nya.


Siguraduhing ready ang tropa ng babaero para pagtakpan siya sa ginagawang pambababae.
"ah oo, andito siya sa bahay kanina, nag-playstation lang kami. Huwag kang mag-alala, mahal na mahal ka ng tropa ko, kaw nga pinaguusapan namin, most of the time."
Mga ganyang banat ba.
Kung yung tropa mo naman ang nambababae, pagtakpan mo din, para kwitz.


Babero Moves : Inaalis ang wedding Ring

Basic na babaero move ito. No further explanation.


Babaero Moves : Hindi sinasabi ng Babaero sa babae kung ilan ang nadale nyang ibang babae.

"So, nakailang babae ka na ba?"
Huwag ng patulan ang tanong na yan, kahit na gustong gusto mong ipagyabang kung ilan.
Kung may balak ka pang makipagkita muli sa babae na nagtanong nyan, huwag sagutin ang tanong. Psychological yan sa babae.
Ang point, hindi dapat alam ng mga babae na Babaero ka nga.
Parang Ganito ang Babaero move na ito.


Babaero Moves : Huwag masyadong magtatatanggap ng regalo galing sa Babae


Magiging ebidensya lang yan ng pambababae mo. Yung mga cheap na regalo, huwag ng tanggapin.
Pero yung mga kotse o house and lot na regalo, tanggapin, tapos iwanan na yung dating babae mo.
Seryoso, kung tatanggap man ng regalo, siguraduhing maeexplain kung saan galing yun kapag mapansin ng isang babae mo. Basta ingat sa pagtanggap ng regalo.



Babaero Phone Moves : Wallpaper ng Phone ng Babaero, Iba ibang babae.


Palit-palitan ang wallpaper. Pwedeng picture nya, or picture nyong dalawa.
No further explanation. One-woman-man moves.



Babaero Moves : Unang imbita ng babae sa lugar ng Babaero, huwag galawin

Kung iimbitahin ang babae mo, for the First Time, sa lugar mo, Huwag muna siyang galawin. Magtiis ka muna.
Dahil mas magiging komportable na bumalik ang babae sa lugar ng Babaero kapag nakapunta na siya dito at walang nangyari.
Sa pangalawang punta na lang ng babae mag-babaero moves.


Babaero Moves : Bigyan ng buong oras ang isang babae, kapag wala ang isang babae

Situation : Yung isang babae mo, umuwi sa probinsya nila. Yung isa, nag-out of town. May naiwan na isa, ano gagawin mo?
Ibigay mo na oras mo! ilabas mo, magkape kayo, magsine, iuwi mo, tapos.....
huwag kalimutan magcuddle.(kahit ayaw mo)
Ibigay ang oras hangga't maluwag ang schedule mo.
Mamuhunan sa puso ng babae.
Dahil kapag dumating na ang ibang babae, may maiisnab kang isang babae, sigurado yun.
Kaya dapat marunong mamuhunan ng oras para sa babae.


Babaero Moves : Iwasan ang 'friend zone'

Kapag makikipag-usap sa babae, ingatan ang pagsasalita at huwag siyang masyadong damayan sa mga problema, baka gawin ka nyang kaibigan.
At kapag nilagay ka ng babae sa listahan nya ng mga "Okay siyang friend" na lalake, liit chansa na makarelasyon mo siya.
May mga babaeng ayaw makipag-sibakan sa kaibigan eh. Gets ang point?


Babaero Moves : Huwag magsuot ng bright colors na damit sa date ng ibang Babae

Mag-dark na color na damit na lang kapag lalabas kayo ng ibang babae mo. Agaw pansin kasi kung magkukulay-tae ka pa na damit. Mas makikita lang kayo ng kasama mo.


Babaero Moves : Mga babaeng overstaying sa lugar ng Babaero, paalisin.

Huwag na kayong mag-snakes and ladders ng babae mo.
Paalisin kagad kapag tapos na ang business nyo together, lalo na kung sa bahay mo pa siya dinala. Pauwiin na.
Suggestion na linya: "May lakad pala ako, sabay na tayo alis ha.(sabay kiss)"
(damit bahay ka na lang umalis, uuwi ka din naman kagad)
Bawal ang over-staying na babae sa lugar ng Babaero.
Dahil hindi mo alam kung sino ang magiging biglaang bisita mo.


Babaero Moves : Ingatan ang Pagbya-byahe

Sinabi namin dito na ilayo ang babae mo sa lugar nya. para lumiit ang chansa na mabuko.
Pero, wag naman masyadong malayo na ibyabyahe pa ang babae mo.
Pero pwede din ibyahe, BASTA, mag-ingat lang sa pagmamaneho.
(Kung pwede lang primera lang sa buong byahe.)
Bakit? para iwas disgrasya. Dahil kapag madisgrasya, mas madidiscover ang pambababae.
Accidents always happen, you know?


Babaero Moves : Hindi Vinivideo ang Sibakan

(oo, alam namin, laos na itong picture na 'to, ang habol namin yung babaero move na pinapakita ng picture na ito,ok?)
Huwag ng i-video ang rambulan. Angkinin mo na lang. Para iwas scandal.
Para hindi malaman ng ibang babae ang pinag-gagagawa mo. Isecreto lang ang pambababae.
Parang ganito din ang babaero move na ito.
Back to top Go down
View user profile
[chxlover]kapool



Posts: 38
Join date: 2009-12-23
Age: 24
Location: isabela

PostSubject: Re: BABAERO MOVES   Sat Dec 26, 2009 6:58 am

Babaero Moves : Yayain na lang manuod ng DVD sa Bahay

Isa pa ring mahiwagang palusot para maiuwi ang babae sa lugar ng lalake.
"Hmm, hindi naman maganda mga palabas, tara sa bahay, nuod na lang tayo DVD, may mga bago ako. Romantic Movies."
Tipid na, masosolo pa ang babae at pwedeng mag-moves para... alam nyo na.
Nasa bahay nyo na nga, hindi mo pa ba gagalawan?
Kung hindi pumayag, mag-sine na lang, at huwag kalimutan ang babaero move na ito.


Babaero Moves : Huwag mag-uuwi ng Babae kung may susi ang GF o asawa mo

Kailangan pa bang i-explain?


Babaero Moves : Nagpapa-tint ng window ng Sasakyan

Para walang makakakita kung sino kasama mo sa loob ng sasakyan.
Lalo na kapag iba ibang babae ang kasama at dumadaan sa mataong lugar.
And,
Para pwede sumibak sa loob ng sasakyan, anywhere.


Babaero Moves : Gumagamit ng ibang pangalan

May mga babae talagang hindi dapat pinagbibigyan ng totoong pangalan ng Babaero.
Safety Purposes.
Paminsan-minsan, magsinungaling sa name mo. Lalo na kapag one night stand ang situation.


Babaero Moves : Ingatan ang pang-amoy ng Babae

Did you Know? Women are born better smellers than men and remain better smellers over life.
Oo, ingatan ang pang-amoy ng babae, malakas ito.
Kaya kung mahilig kayo maglampungan ng ibang babae mo, siguradahing may baong pabango mo. Panakip sa pabango ng ibang babae.
Back to top Go down
View user profile
[ADMIN]kapool
Admin


Posts: 37
Join date: 2009-12-22

PostSubject: Re: BABAERO MOVES   Sat Dec 26, 2009 7:38 am

UKI AHHH
Back to top Go down
View user profile http://kapoolz.niceboard.net
 

BABAERO MOVES

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
DABARKADZ FORUM ::  :: -